in

Showbiz comeback ng kilalang aktor sa Kapuso Network, tinututukan ng netizens

Matagal-tagal na rin ang naging paghihintay ng loyal fans ng multi-awarded actor na nagpahinga sa showbiz ng ilang taon. Kaya naman nagbunyi ang kanyang supporters sa mainit na balitang kumpirmado na ang kanyang pagbabalik-telebisyon.

Lalong na-excite ang lahat dahil muli na nilang mapapanood ang kanilang idolo sa bago niyang tahanan, ang GMA-7.

Sa teaser photo na inilabas ng GMA Network ay nagdiwang ang fans ng kilalang box-office actor, “Pinag-isipan talaga ang paglipat! Dapat ganyan! Ngayon alam na natin na hindi sya magsisisi sa paglipat niya kasi matagal na panahon ang pinaggugulan kung ito ba ang gusto niyang gawin.”

“Panalo naman ang news na to! Grabe, sobrang nakaka-excite, hindi na kami makapaghintay,” dagdag pa ng isang netizen.

Magiging aktibo na raw muli ang aktor sa showbiz kaya naman todo-abang na ang netizens sa latest updates sa much awaited TV comeback nito na nakatakdang ianunsyo bukas, November 9, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Vice Ganda, nagbalik sa ‘It’s Showtime!’

Moira dela Torre, may ‘Pabilin’ para sa mga nagmamahal