Puno ng inspirasyon, pag-ibig, at pag-asa ang mga kwentong bibida sa ika-30 taong anibersaryo ng “MMK” ngayong Nobyembre tampok ang mga premyadong aktor na sina Enchong Dee, Coco Martin, Anne Curtis, Dimples Romana, at Angel Locsin.
Bibigyang buhay ni Echong ang kwento ni Edwin Pranada sa pag-uumpisa ng Nobyermbre. Buong buhay ni Edwin, tanging hiling niya ay makita ng ina ang kanyang efforts tulad nang nabibigay nitong pagpapahalaga sa kanyang mga kapatid. Sa umpisa, namulot siya ng basura para kumita ngunit nang tumagal ay napagod siya at napunta sa pagbebenta ng drugs at panloloko ng mga tao. Panoorin kung paano niya nabago ang kanyang ugali at maging isang kilalang cosmetic tattooist na nagbibigay ng libreng service sa mga taong may alopecia.
Mapapanood naman muli ang unang pagtatambal nina Coco at Jodi sa “MMK” sa Nob.13 (Sabado). Gagampanan ni Coco si Ramon, isang underground boxer. Sa kanyang pagbubuo ng pamilya kasama ng asawang si Mila (Jodi), pinili niyang lisanin ang nakagisnang buhay. Ngunit nang magsisimula na siya sa kanyang bagong tatahakin ay makakagawa siya ng isang krimen na magdudulot ng sakit at galit mula sa kanyang pamilya. Alamin kung paano siya nagbago at maging isang mabuting tatay at asawa sa kanyang pamilya.
Sa Nob.20 (Sabado), mababalikan din ang kwento ni Marrz Balaoro, ang founder ng FILGUYS Association sa Hong Kong. Mula pagkabata, alam na ni Marrz na hindi siya tulad ng kanyang mga kapatid na babae. Dahil sa pagtutol ng kanyang ama sa kanyang kasarian, minabuti ni Marrz na makipagsapalaran sa Hong Kong para makamit ang inaasam na kalayaan at indepence. Sa kabila ng pangungutiya ng mga tao, mananaig kay Marrz na yakapin ang kasarian at tulungan ang mga kapwa niyang taga- LGBTQIA community.
Sariwain din ang kwento ng2018 Asian Academy Creative Awards Best Single Drama/Telemoviena “Kotse-Kotsehan” tampok sina Angel at Dimples. Sa Nob.27, mapapanood ang bersyon ni Samina (Angel) ng kwento tungkol sa pagkakita niya sa anak ni Idai (Dimples),na sinasabing na-kidnap, at sa pagkupkop niya rito. Patutunayan niya rin ang kanyang pagka-inosente sa binibintang sa kanyang krimen.
Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.