in

‘Wish Ko Lang!,’ kaabang-abang ang line-up ngayong Nobyembre!

Ngayong Nobyembre, mas pinalakas at pinaganda ang mga kuwento sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales.

Una na rito ang pagbabalik-telebisyon ni Maybelyn dela Cruz sa “Aksidente” episode na pagbibidahan niya kasama ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann. Mapapanood na ito ngayong Sabado (Nov. 6).

Sa interview ni Maybelyn sa 24 Oras, ibinahagi ng dating child-actress ang labis na pasasalamat niya na mapabilang sa Wish Ko Lang! “I’m just grateful kasi after a long time, yung set ng ‘Wish Ko Lang,’ ’yung una kong show na nakapag-act ako, sobrang bait po ng mga tao,” she said.

Ang karakter ni Maybelyn ay mai-inlove sa anak ng kanyang boss. Tatalakayin sa episode ang iba’t ibang financial problem na pinagdadaanan ng isang pamilya.

Dapat ding abangan sa Wish Ko Lang ang “Biyenan” tampok ang mga natatanging pagganap nina Carmi Martin, Arra San Agustin, at Paul Salas sa Nov. 13 at ang episode na “Apoy” na pagbibidahan nina Martin del Rosario, Faith da Silva, at Maureen Larrazabal sa Nov. 20. Mapapanood naman ang unang Wish Ko Lang! guesting ni Ms. Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Nov. 27 kasama sina Jeric Gonzales at Kim Rodriguez sa “Magkaibigan.”

Abangan lahat ng ito sa Wish Ko Lang!, tuwing Sabado 4 p.m., pagkatapos ng Tadhana sa GMA Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘MPowered’ ni Maymay Entrata, mapapanood sa digital concert niya sa November 26

‘Trabahanap TV’ kasama si Kaladkaren, mapapanood na sa Cinemo