in

John Adajar, Karen Bordador, at KD Estrada, unang Celebrity Housemates na nominado sa mangyayaring eviction night ngayong Sabado sa ‘PBB Kumunity’

Umarangkada na ang botohan para kina John Adajar, Karen Bordador, at KD Estrada na naging unang batch ng “PBB Kumunity” celebrity housemates na maaaring lumabas sa bahay ni Kuya sa mangyayaring eviction night ngayong nalalapit na Sabado (Nobyembre 6).

Ang tatlong housemates ang nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa kanilang kapwa housemates. Labing-isang puntos ang nalikom ni John, anim na puntos ang napunta kay KD, at limang puntos naman ang nabigay kay Karen. Para bumoto via SMS, i-text ang BBS o BBE at i-send sa 2366. Para bumoto sa Kumu, i-click lang voting page tab at padalhan ng virtual gifts ang housemate na nais iboto.

Bukod sa unang nomination night na nabalot ng tensyon at emosyon, pinagusapan din at naging trending topic noong weekend ang rebelasyon ng dating “PBB Lucky Season 7” housemates na sina McCoy De Leon at Elisse Joson na sila ay mayroon nang baby girl at nais nilang gawing ninong si Kuya.

Tinutukan din ng mga manonood ang horror musical ng housemates na “Takot Ang Pinoy” noong Sabado (Oktubre 31) na nagsilbing second weekly task. Hindi naman nasayang ang kanilang pagpupursige dahil nagwagi sila sa task ni Kuya matapos makalikom ng 105,994 total views sa Kumu, Facebook, at YouTube.

Bida rito sina Kyle Echarri (bilang kapre) at Alexa Ilacad (bilang sirena) na pinili ng Kumunizens, habang nasungkit naman nina Madam Inutz (bilang tiyanak) at Brenda (bilang tiktik) ang kanilang mga papel sa ginawang auditions. Samantala, nagsilbi namang musical director si KD Estrada sa kanilang play sa direksyon ni TJ Valderrama.

Nakatanggap din ng special awards mula kay Kuya sina Brenda, Alexa, at Eian bilang gantimpala sa pagkakaroon ng pinakamalaking online ambag sa livestream task nila bago pumasok ng bahay. Nakuha ni Brenda ang power to save a nominated housemate kabilang ang sarili, nakuha ni Eian ang power to contact someone from the outside world, at napili naman ni Alexa ang power to automatically nominate a housemate. Pwede nilang magamit ang mga ito habang nananatili sila sa loob ng bahay.

Nakapasok na rin sa bahay ni Kuya ang Kumu livestreamer na si Benedix Ramos na ang task ay magsilbing punishment officer ng housemates dahil sa kanilang violations sa loob ng “PBB” house.

Sino kaya ang unang housemate na lalabas sa bahay? Ano ang magiging epekto ng special powers ng tatlong housemates? Makakasundo ba nila si Benedix?

Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend. May “Kumunity G sa Gabi” rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu kasama si Robi Domingo. I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yey, balik TV simula ngayong Nobyembre sa Jeepney TV at Kapamilya Channel

Mercedes Cabral, nilaglag si Eula Valdez, humingi ng tawad kina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa ‘Huwag Kang Mangamba’