in

Migs Villasis, kinalakihan ang tropa ng ‘Bubble Gang!’

Ibinahagi ng newest Kapuso star na si Migs Villasis na isa sa mga pangarap niya ay ang mapabilang sa longest-running at award-winning comedy show ng GMA Network na ‘Bubble Gang.’

Aniya, “Gusto ko magkaroon ng role sa Bubble Gang. Kasi bata pa lang ako, sobrang fan na ako nina Bitoy. Every Friday talagang inaabangan ko ang Bubble Gang. Naging part na siya ng kabataan ko, naging part na siya ng buhay ko.”

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Migs sa tindi ng suporta at tiwala na ibinibigay sa kanya ng GMA gayong kakapasok niya pa lamang sa network.

“‘Di ko po talaga in-expect ‘yung binibigay nila sa aking tiwala ngayon. ‘Yung projects na binibigay nila. Grabe. Sobrang saya. Sobrang sarap sa feeling na kakapasok ko pa lang sa GMA pero grabe ‘yung support na binibigay nila. Ramdam na ramdam ko po ‘yung pagiging Kapuso.”

Kabilang si Migs sa mga bagong artistang pumirma ng kontrata sa ilalim ng GMA Artist Center sa naganap na Signed for Stardom event.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Sakto’ nina Jeff Canoy, Johnson Manabat, at Amy Perez, isang taon na sa Teleradyo

Bagong Thai BL series na ‘Bad Buddy,’ libre sa iWantTFC