in

Tim Pavino inaalala ang ‘Di Malimutang Pag-ibig’ sa bagong single

Nagbabalik-tanaw sa isang young love ang singer na si Tim Pavino sa bagong single niyang “We Were 16” na ini-release ng Star Music ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Tim tungkol sa kanta, “It’s about a time in your life where you let go of your TOTGA (the one that got away) and you begin to reminisce the sweet memories as you move forward in life.”

Maririnig sa “We Were 16” ang nakakapukaw na melody at ang mga ‘what-if’ ng isang tao sa nagtapos na relasyon at ang pag-asa na balang araw ay maitutuloy ito.

Dagdag ni Tim, “I hope it can be a reminder that no matter what happens, good or bad, there is always something special to look back on and be thankful for.”

Isinulat ni Tim ang “We Were 16” kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siya ring nagprodyus ng kanta. Si Theo Martel naman ang nagsilbing arranger nito.

Samantala, inilabas na rin ang official music video ng kanta kung saan makikita si Tim na nagda-drive papunta sa isang beach at naglalakad nang masaya sa dalampasigan habang nilalanghap ang simoy ng hangin.

Nito lang Hunyo, inilabas niya ang single na “No More You and I,” isang hugot song tungkol sa pagtatapos ng isang relasyon na may tunog slow jams ng ‘90s.

Alalahanin ang magagandang araw ng iyong kabataan at pakinggan ang latest single ni Tim na “We Were 16” sa iba’t ibang digital music services at panoorin rin din ang music video nito sa ABS-CBN Star Music YouTube channel. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BINI at BGYO all-out ang hatawan, kantahan sa sibling concert ngayong Nobyembre 6, 7

Mga nasalanta ng Bagyong Maring, hinatiran ng tulong ng ABS-CBN Foundation