in

BINI at BGYO all-out ang hatawan, kantahan sa sibling concert ngayong Nobyembre 6, 7

Isa-isa nang natutupad ang mga pangarap ng BINI at BGYO dahil pagkatapos i-release ang debut albums nila ngayong buwan, magpapasiklab na sila sa inaabangang sibling concert na “One Dream: The BINI & BGYO Concert” ngayong Nobyembre 6 at 7 sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Sulit ang concert dahil higit sa 40 na awitin ang kakantahin ng BINI at BGYO, kabilang na ang mga awitin mula sa albums nilang “Born to Win” at “The Light,” at magkaiba rin ang setlist sa dalawang shows nito.

Halos hindi na rin makapaghintay ang fan groups nilang BLOOMs at ACEs sa concert kaya naman naging sold-out agad ang limited edition concert merchandise nila sa loob lamang ng sampung minuto noong maging available ito noong nakaraang linggo.

Bukod sa BINI at BGYO, mapapanood din ng fans ang bonggang performances ng guest artists na sina AC Bonifacio, Kritiko, at KZ Tandingan sa Nobyembre 6. Sa Nobyembre 7 naman, mas maraming live collaborations ang BINI at BGYO, may sub-unit performances, malakasang biritan, at fan meet sa KTX.PH.

Bumili na ng SVIP tickets na nagkakahalaga ng P1,950 o US$39.99 para mapanood ang dalawang shows at makasali sa fan meet sa KTX.PH. Mayroon ding VIP tickets sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa halagang P1,490 o US$29.99 para makapanood ng parehong shows.

Panibagong milestones ang naabot ng parehong grupo sa paglabas ng kanilang debut albums dahil nanguna sa number one spot sa iTunes Albums Chart sa Philippines ang “Born to Win” ng BINI at ang “The Light” ng BGYO, at nakapasok din sa top 20 ng iTunes Songs Chart ang lahat ng mga awitin nila.

Nakapagtala na rin ng isang milyong streams sa Spotify ang BINI, habang umabot na sa 290,000 YouTube views ang music video ng bagong single ng grupo na “Golden Arrow.”

Samantala, umabot na rin sa limang milyong streams ang naitala ng “The Light” full album, habang nagkamit na ang latest single nilang “When I’m With You” ng higit sa 400,000 Spotify streams at 400,000 YouTube views.

Gagawa ng kasaysayan ang joint concert ng BINI at BGYO dahil ito ang kauna-unahang sibling concert sa kasaysayan ng P-pop at ang una ring two-day concert sa Pilipinas na may magkaibang setlist sa magkaibang araw.

Pagkatapos nito, magpapasiklab sa international fans ang BINI at BGYO sa 1MX Ultimate Music Festival sa Dubai sa Disyembre 3.

Bumili na ng tickets para mapanood ang “One Dream: The BINI & BGYO Concert” ngayong Nobyembre 6 at 7 sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV. Kumuha ng updates tungkol sa BINI at BGYO at sundan ang BINI_ph at BGYO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa official YouTube channels nilang BINI Official at BGYO Official.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sofia Andres, nabaliw sa selos, muntik sagasaan si Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena’

Tim Pavino inaalala ang ‘Di Malimutang Pag-ibig’ sa bagong single