in

‘Dapat Alam Mo!’ winner agad sa puso ng viewers!

Refreshing ang bagong Kapuso news magazine show na Dapat Alam Mo! na nagsimulang umere nitong Lunes sa GTV. Maganda rin ang feedback ng viewers sa trio nina Emil Sumangil, Patricia Tumulak, at Kim Atienza. Para ka nga raw nanood ng 24 Oras, KMJS, Imbestigador, AHA! all rolled into one show!

Mabilis ang paghahatid ng mga balita at may mga public service component ang segments ni Emil. Si Patricia naman, very pleasing to watch while delivering light features lalo na ‘yung mga viral at trending. At syempre, hindi mawawala ang mga trivia na hatid ni Kuya Kim.

Swak na swak talaga ang Dapat Alam Mo! sa oras nitong 5:30 p.m. bago ang simulcast ng 24 Oras sa GTV dahil sa iba’t ibang putaheng handog nito sa viewers. Very catchy pa ang theme song na balita namin ay si Khalil Ramos ang kumanta! Congrats, Emil, Patricia, at Kuya Kim!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Debut album ng BINI trending online, number one sa iTunes PH

ABS-CBN, hinirang na Best TV Station sa 34th PMPC Star Awards for TV