in

Kim Atienza, at home agad sa ’24 Oras!’

Trending muli ang bagong Kapuso na si Kim Atienza matapos ang unang pagsabak niya sa GMA newscast na 24 Oras nitong Lunes kung saan mapapanood ang kanyang segment na #KuyaKimAnoNa.

Marami rin ang natuwa sa mainit na pag-welcome sa kanya ng 24 anchors na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, at Vicky Morales.

Say nga ni Mel after ng segment ni Kuya Kim: “Welcome sa 24 Oras ha! Kumusta? Ano pakiramdam mo na nasa ibang tahanan ka ngayon?”

“Alam mo, Tita Mel talagang feel na feel ko ang pangalan ng ating istasyon. Feel na feel ko ang pagmamahal at ang puso ng lahat ng tumanggap sa akin dito. Maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat,” sagot ni Kim.

“Kapuso, trivia sa likod ng trending na balita ang ihahatid sa ating mga Kapuso ni Kuya Kim,” pag-explain naman ni Mike sa #KuyaKimAnoNa segment.

Samantalang si Vicky, may tanong din kay Kuya Kim.

“Teka, Kuya Kim, ano ang mensahe mo sa ating mga Kapuso at syempre sa mga ka-24 Oras?

“Sa lahat ng mga Kapuso, maraming maraming salamat sa napakainit na pagtanggap ninyo sa akin bilang bagong Kapuso. I shall do my best to be the best Kuya Kim that I can be by God’s grace. Maraming-maraming salamat,” paglalahad ni Kuya Kim.

Sa huli ay binitawan na nga ni Kuya Kim ang kanyang extro spiel: “Kaya laging tandaan, Kimportante ang may alam! Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 Oras! Kimsahamnida.”

Congratulations at welcome muli sa Kapuso Network, Kuya Kim!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pinoy slang na ‘Sakalam,’ may ibang kahulugan para kay Gigi de Lana

‘The Light’ ng BGYO, no. 1 sa iTunes albums chart ng limang bansa