in

‘Tale of the Nine Tailed,’ mapapanood na sa GMA Heart of Asia

Mananaig ang pag-ibig sa kabila ng kadiliman sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na South Korean drama series na ‘Tale of the Nine Tailed‘ simula Oktubre 11 sa GMA Telebabad.

Kinahumalingan ng maraming viewers ang naturang South Korean drama dahil sa star-studded cast at interesting plot nito na pinaghalong romance, Korean folk tales, at horror elements. 

Ang serye ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Lee Dong-wook bilang Leon, Jo Bo-ah bilang Gia, at Kim Bum bilang Ram.

Si Leon, isang nine-tailed fox, ay dating mountain guardian sa bundok ng Baekdudaegan. Matapos mawala ang kanyang mortal na first love, isinuko niya ang kanyang posisyon at piniling mamuhay bilang tao ng ilang siglo upang hanapin ang reincarnation ng kanyang iniibig.

Samantala, nagtatrabaho si Gia sa isang TV station bilang producer ng supernatural documentaries. Noong bata pa siya, nasangkot siya sa isang aksidente at mahiwagang nawala ang kanyang mga magulang. Naaalala niya ang isang lalaki na nagligtas sa kanya sa aksidente na si Leon pala.

Sa kasalukuyan, muling nagkrus ang landas nina Leon at Gia at pursigido silang hanapin ang mga kasagutan sa kanilang nakaraan. 

Huwag palampasin ang pinakahihintay na premiere ng ‘Tale of the Nine Tailed’ simula Oktubre 11, 9:35 ng gabi sa GMA Telebabad.

Para sa iba pang mga kwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tatak Kapamilya nagningning sa 36th Star Awards for Movies

Angeline Quinto, may pa-’10Q’ sa fans sa bagong MET Theater