in

Fumiya Sankai, Alora Sasam, André Brouillette, maglalakwatsa sa YouTube shows, ‘Mashing Machine’ mapapanood na rin

Apat na bagong YouTube shows mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ang magbibigay ng saya, kilig, at katatawanan sa viewers ngayong Oktubre bilang bahagi pa rin ng “Kapamilya YOUniverse” experience.

Kung nahihirapang bumangon sa umaga, i-stream lang ang “Happy Pill” tuwing 8 AM mula Lunes hanggang Linggo. Lalamanin nito ang iba’t ibang inspirational quotes at motivational words para maghatid ng good vibes at lakas ng loob na simulan ang araw.

Maaaliw naman habang natututo ang viewers sa “IQ Ang Nagwagi,” isang quiz show kung saan mag-iikot si Alora Sasam sa iba’t ibang ABS-CBN shows para magtanong ng sari-saring trick questions. Sumama na sa sagutan at kulitan kasama ang iba’t ibang Kapamilya stars tuwing Sabado, 6 PM.

Kakaibang movie experience naman ang ihahain ng anthology series na “Mashing Machine” kada Lunes tuwing 6 PM. Sa bawat episode nito, ipagsasama-sama ang mga eksena mula sa iba’t ibang patok na teleserye at ipagpapares ang iba’t ibang Kapamilya stars para makabuo ng isang bago at nakakaaliw na kwento.

Napapanood na ngayon ang unang “Mashing Machine” episode na “A Soldier’s Love” tampok sina Gerald Anderson at Ivana Alawi, samantalang sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at James Reid naman ang magpapakilig sa “My Hokage Love” sa susunod na linggo. Bibida rin sa susunod na episodes sina Daniel Padilla, Liza Soberano, Nadine Lustre, Jodi Sta. Maria, at Coco Martin.

Pwede ring tumakas at bumyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasama sina André Brouillette, Fumiya Sankai, at Gabby Sarmiento sa “Hello World!” simula Oktubre 7. Makilakwatsa at maki-food trip kasama ang dating “PBB” housemates sa USA, Japan, at Italy, at alamin mula sa kanila ang masasayang experiences na pwedeng ma-enjoy sa mga lugar na ito tuwing Huwebes, 5 PM.

Itatampok naman sa susunod na season ng “Secret Movie Files” ang mga trivia at sikreto sa paggawa ng 2017 suspense thriller na “Bloody Crayons” kasama ang cast at crew nito. Imbitahan na ang buong barkada sa maagang Halloween celebration para panoorin ang unang limang episodes nito sa Oktubre 24, 2 PM kasabay ng libreng pagpapalabas ng buong pelikula sa YouTube.

Ang “Made for YouTube” shows na ito ay bahagi ng lumalaking Kapamilya YOUniverse, ang pagsasama-sama ng iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN para maghatid ng entertainment, musika, pelikula, at balita. Ang ilan sa “Made for YouTube” titles na ekslusibong napapanood sa YouTube ay ang “MMK Shorts: Beyond the Lens,” “It’s Showtime All Access,” “Chikatitas,” “The Music Room,” “He’s Into Her Extras,” “Gold School,” “Dear MOR,” “Gapnud sa Kinabuhi,” “Bedtime Stories,” at “MOR Playlist.”

Tumuloy na sa Kapamilya YOUniverse sa YouTube at mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN Star Cinema, ABS-CBN Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, ABS-CBN It’s Showtime, at One Music PH.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Madam Inutz, ginawang recording artist ni Wilbert Tolentino

Chito S. Roño nakatakdang idirek ang ‘Darna: The TV Series’