in

Kanta ni Golden Cañedo, OST ng bagong Kapuso serye na ‘To Have And To Hold’

Tampok sa upcoming GMA primetime series na ‘To Have And To Hold’ ang kanta ni The Clash Season 1 Grand Champion Golden Cañedo na ‘More Than Before.’

Nauna nang napakinggan ang naturang single ni Golden taong 2019. Komposiyon ito ng tanyag na Filipino composer na si Vehnee Saturno kasama rin si Tito Cayamanda.

Si Golden din ang boses sa likod ng ilan pang sikat na original soundtracks ng Kapuso shows na Magpakailanman, Prima Donnas, Kara Mia, at Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday.

Mapapanood na ang To Have and To Hold, na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Max Collins, sa GMA Telebabad simula September 27.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Kapit Lang’ ng BINI nagdala ng good vibes sa netizens, naka-320k views na sa YouTube

Mark Herras at Nicole Donesa, kasal na!