in ,

Reiven Umali ng Cavite, wagi bilang bagong ‘Tawag Ng Tanghalan’ Grand Champion

Ang Caviteño na si Reiven Umali ang itinanghal bilang pinakabago at ika-limang grand champion ng“Tawag ng Tanghalan”sa grand finals ng pinakamalaki at pinakamahabang singing competition sa bansa sa “It’s Showtime”noong Sabado (Setyembre 18).

Umani ng 93% total combined score ang binatilyong singer at kumu streamermula sa hurados scores nina Louie Ocampo, Zsa Zsa Padilla, Karylle, Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, at Klarisse de Guzman at public votes. Tinalo niya sina Adrian Manibale na nakakuha ng 55.7% at si Anthony Castillo na nagkamit ng 52%.

Bilang ang pinakabagong “Tawag ng Tanghalan” grand champion, si Reiven ay nag-uwingP1 milyon, isang brand new house and lot mula sa Camella na nagkakahalagang P2.3 million, isang ABS-CBN Music recording contract, isang management contract sa ilalim ng Polaris ng Star Magic, at tropeyong dinisenyo ni Toym Imao. Samantala, nakakuha naman si Adrian ng P200,000 at si Anthony naman ay nakapag-uwi ng P100,000.

Sa naganap na ‘Go for Gold’ ng ‘Huling Tapatan,’ napabilib agad ni Reiven ang mga hurado sa kanyang madamdaming pagkanta ng “Creep” ng Radio Head.” Una namang namaalam sa kompetisyon sinaPsalm Manalo, Gem Christian,Froilan Cedilla,Lorraine Galvez at Aixia Mallarymatapos makakuha ng mas mabababang combined scores mula sa hurados ang kani-kanilang pangmalakasang kanta.

Samantala, tuluyan napukaw ni Reiven ang puso ng madlang pipol at ng mga hurados matapos niyang inawit ang isang medleyngmga kanta ni Moira dela Torre na “Paubaya,” “Malaya,” at “Tagpuan.”

Marami ang nag-abang at tumutok sa pagluluklok sa bagong grand champion ng“Tawag ng Tanghalan” dahil nanguna sa listahan ng trending topics sa Twitter sa buong mundo ang official hashtag ng grand finals na #TNT5AngHulingTapatan. Napabilang din sa trending topics ang BGYOxTNT5GrandFinals, BGYO THEBADDEST ON SHOWTIME, Mapa, HULING TAPATAN WITH VICEION, QUEEN VICE GANDA, TNT5 WITH HURADOKARYLLE, Reiven, Anthony Castillo, Adrian, TOP 3, at Tanghalan.

Samantala sa pagtatapos ng ika-limang season ng “Tawag ng Tanghalan,” inanunsyo rin ng “It’s Showtime’ na dapat abangan ng mga manonood ang nalalapit na pagbubukas ng ika-anim na season ng “TNT.”

Mapapanood ang “It’s Showtime” sa A2Z channel sa digital at free TV, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app oiwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Engrandeng pagsalubong kay Lovi Poe, live ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Baguhang singers, may hugot sa sawi at lihim na pag-ibig