in

Engrandeng pagsalubong kay Lovi Poe, live ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Isang engrandeng welcome party ang naghihintay sa new Kapamilya star na si Lovi Poe habang sunod-sunod na pagbibigay-pugay sa mga Pinoy champion ang hatid ng world class acts tulad ng P-Pop collab ng BINI at BGYO, idol performance ni Raffy Tulfo, at todo-kantahan kasama ang mga mahuhusay na mang-aawit sa “ASAP Natin ‘To,” live-na-live ngayong Linggo (Setyembre 19) sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Huwag palampasin ang engrandeng pagsalubong sa bagong Kapamilya star na si Lovi Poe kasama ang mga OPM hitmaker na sina Ogie Alcasid, Erik Santos, at Gary Valenciano.

Abangan naman ang inspiring opening number mula sa inyong ASAP family kasama rin sina Sam Concepcion, Robi Domingo, Joao Constancia, Nyoy Volante, Belle Mariano, at marami pang iba. Magpapasiklab naman sa kantahan ang mga finalist at bagong grand winner ng “Tawag ng Tanghalan kasama ang mga singing champion na sina Janine Berdin, JM Yosures, Sheena Belarmino, Ana Ramsey, Sam Mangubat, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Hahataw naman ang mga paborito ninyong artista tulad nina Donny Pangilinan, Maymay Entrata, AC Bonifacio, Amanda Zamora, Kurt Mendoza, Quincy Villanueva, at ASAP dance royalty Kim Chiu sa bagong edisyon ng “Star Magic Presents.” Hindi rin pahuhuli ang real-life sweethearts na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa kanilang “ASAP Transformation” bilang Shawn Mendes at Camila Cabello.

Tuloy ang kantahan to-the-max sa Olivia Rodrigo-inspired collab nina Moira dela Torre, Klarisse de Guzman, at KZ; at sasabak din sa pagkanta si idol Raffy Tulfo kasama sina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla sa “ASAP Fresh.”

Siguradong magiging proud ang manonood sa bigating P-Pop performance ng BINI at BGYO. Patuloy na ipagdiwang ang tagumpay ng Pinoy sa pagsasama-sama nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jed Madela, vocal trio iDolls, Janella Salvador, Moira dela Torre, Nina, Elha Nympha, Sheena Belarmino, Lara Maigue, Janine Berdin, Jason Dy, Sheryn Regis, KZ, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Gary Valenciano.

Talagang kaabang-abang ang bonggang Pinoy pride party ng longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin ‘To,” live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Legends of Dawn: The Sacred Stone’ ng Mobile Legends, mapapanood sa Kapamilya Channel at A2Z

Reiven Umali ng Cavite, wagi bilang bagong ‘Tawag Ng Tanghalan’ Grand Champion