in

Top-rating Korean drama series na ‘Mr. Queen,’ mapapanood na sa GMA Heart of Asia

Mapapanood na sa Philippine television ang isa sa top-rating dramas ng South Korea sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na ‘Mr. Queen’ simula ngayong Setyembre 20 sa GMA Telebabad.

Ang Mr. Queen ay isa sa most talked-about at highest-rated dramas sa South Korea ngayong 2021 dahil sa natatangi nitong kuwento at nakakaaliw na characters.

Ang serye ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Shin Hye-Sun bilang Kim So-Yong, Kim Jung-Hyun bilang Cheoljong, Choi Jin-Hyuk bilang Byron, Na In-Woo bilang Kim Byeong-In, at Seol In-Ah bilang Jo Hwa-Jin.

Sa modernong panahon, si Byron ay isang chef na nagtatrabaho sa Blue House. Isang araw natagpuan niya ang kanyang sarili sa katawan ng reyna na si Kim So-Yong sa panahon ng Joseon.

Ang mga tao sa paligid ng reyna ay naguguluhan sa kanyang biglaang pagbabago kasama na si Haring Cheoljong. Ang pagbabagong ito sa ugali ni Reyna So-Yong ay pumukaw sa interes ng hari at nagsimula siyang mabighani as reyna. Sa paglipas ng panahon ay matutuklasan ni So-Yong ang mga lihim sa palasyo.

Sa kanyang bagong buhay, paano makakahanap ng balanse si Byron upang makabalik sa kasalukuyan habang tinutupad pa rin ang tungkulin niya bilang reyna at asawa?

Huwag palalampasin ang ‘Mr. Queen’ simula Setyembre 20, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 ng gabi sa GMA Telebabad.

Para sa iba pang mga kwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Hajji Alejandro, Marco Sison, at Nonoy Zuñiga, magbabalik-tanaw sa kanilang musika at pagkakaibigan sa ‘Good Vibes with Edu’

Lovi Poe, Kapamilya na, pumirma ng kontrata sa ABS-CBN