in

Vice Ganda, pinayuhan ang content creators sa ‘Everybody, Sing’

Pinayuhan ni Vice Ganda ang mga lumahok na social media content creators sa “Everybody, Sing” na sikaping gumawa ng content na may positibong maidudulot sa manonood.

Sa episode ng programa noong Linggo (Setyembre 12) sa Kapamilya Channel at A2Z, ipinaalala ni Vice sa songbayanan na huwag lang pagiging viral o “monetization” ang isipin sa pagbuo ng kanilang videos.

“Sana isaisip din natin kung ‘yung nilalabas nating content kahit papano, kahit paminsan-minsan, may positivity ba doon sa content na ‘yun ‘di ba,” ika ni Vice, na nakadamit bilang si Charo Santos ng programang “MMK.”

“Masaya ‘yung monetization but it shouldn’t always be monetization ang purpose natin ‘di ba? Kailangan pa rin sa dulo ng mga ginagawa nating ‘to, masasabi natin na tama ba ‘yung pinost ko? Tama ba ‘yung content ko? Ito bang content ko ‘pag nakita ng nanay ko mapa-proud sa akin ‘yung nanay ko,” dugtong niya.

Tulad ng songbayanan na naglaro, pumasok na rin sa paggawa ng content online si Vice, na kasalukuyang may 5.85 million subscribers sa YouTube. Payo naman niya sa magkasintahang creators na sina Aga at Jai, huwag magpadala sa kanilang mga basher.

“The possibility with well-known people is to be misinterpreted. ‘Pag alam mo naman sa sarili mo ‘yung laman ng puso mo, hindi ka na maliligaw. Mas maliligaw ka ‘pag sinunod mo ang lahat ng direksyong sinasabi ng samu’t saring tao. Ang susundin mo lang ‘yung direksyon na sinasabi ng puso at kaluluwa mo,” paliwanag niya.

Samantala, naka-pitong tamang sagot ang grupo ng content creators sa jackpot round at nag-wagi ng P35,000 maliban sa kanya-kanya nilang napanalunan sa naunang rounds. Ang songbayanan ng pageant winners naman noong Sabado (Setyembre 11), naubusan din ng oras sa huling round at lima lang ang nakuhang tamang sagot.

Ang mga songbayanan ng national athletes at perya performers na kaya ang susunod na mananalo ng P500,000 jackpot? Abangan sila ngayong Sabado (Setyembre 18) at Linggo (Setyembre 19), sa “Everybody, Sing,” 7 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, TFC, at iWantTFC.

Para sa updates sa “Everybody, Sing,” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa ibang balita sa ABS-CBN, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Limitless, A Musical Trilogy’ trending na agad sa Twitter!

Lani Misalucha, mapapanood nang muli sa ‘The Clash’ Season 4!