in

‘Pinoy Tayo’ ni Rico Blanco, inilabas na; nakatakdang theme song ng ‘PBB Season 10’

Bukod sa makabuluhang pagbabago sa titulo ng kanta, angat din ang tunog Pinoy sa bagong areglo na maririnig sa “Pinoy Tayo” mula sa music icon na si Rico Blanco.

Ito ang anniversary version ng makabayang awitin na “Pinoy Ako” na unang narinig taong 2005 mula sa bandang Orange and Lemons.

Ngayon, ang remake ni Rico naman ang magsisilbing official theme song ng nalalapit na “Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10.”

“It’s such an honor to do the song. Just what it stands for. The original version is so well-loved,” ani Rico. “This is a chance to rediscover it.”

Sa panimula pa lang ng kanta ay maririnig na ang etnikong tunog sa bagong “Pinoy Tayo,” na komposisyon ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo, Clem Castro, at Rico, na siya ring nagprodyus nito katulong si Jonathan bilang surpervising producer.

Dinetalye ni Rico ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng bagong bersyon. “Tinanong ko ang sarili ko ‘ano ba ‘yung ako’ and I put in all the small elements that my songs had throughout the years,” pagbabahagi niya.

“Excited ako about that happiness na mabibigay ng kanta. It’s a very bright, upbeat song, and I kept that from the original version,” dagdag pa niya.

Samantala, bukod sa pagiging theme song ng PBB, nakatakda ring maging lead single ang “Pinoy Tayo” ng 25-track album na ilalabas ni Jonathan bilang pagdiriwang ng kanyang ika-20 taon sa industriya.

Hindi pa rin makapaniwala ang multi-awarded singer at songwriter sa naging tagumpay ng kanta bilang statement ng Pinoy pride at sa patuloy nitong pag-angat sa damdamin ng mga Pilipino mula sa iba-ibang henerasyon.

Ani Jonathan, “I’m grateful na marinig mula sa iba’t ibang tao na naging bahagi na ang kantang ito ng soundtrack ng buhay nila.”

Masaya ring niyang ibinahagi na finally ay naisakatuparan na ang dream collaboration niya kasama ang isang icon at legend sa katauhan ni Rico.

Kinwento rin ni Jonathan kung gaano kahalaga ang kantang “Pinoy Tayo” para sa kanya sa panahon ngayon. Aniya, “Ito yung gusto naming ibigay sa audience na mapagaan man lang ang pinagdadaaanan nating lahat at magbigay ng hope at inspirasyon individually and as a nation. And also to remind us na maraming reasons pa rin to celebrate ang ating pagiging Pilipino.”

Samantala, para sa mga nagnanais maging “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” housemate, maaari nang mag-audition ang may edad 20 hanggang 40 taon bilang adult housemates hanggang September 30. Magdownload lamang ng Kumu app at gumawa ng iyong account. Mag-upload ng 1-minute Kumu clip, ipakilala ang iyong sarili, at sabihin kung bakit ka karapat-dapat maging housemate ni kuya, Huwag kalimutan na gamitin ang hashtag na #PBBKUMUADULTS.

Mapapakinggan na ang “Pinoy Tayo” sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter atInstagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lani Misalucha, mapapanood nang muli sa ‘The Clash’ Season 4!

‘Marry Me, Marry You’ pinaiyak at pinatawa ang viewers, trending sa social media