in

Pilot episode ng ‘Regal Studio Presents,’ pumatok sa viewers at netizens!

Wagi sa Kapuso viewers ang kauna-unahang episode ng biggest telemovie collaboration ng taon na ‘Regal Studio Presents’ kung saan tampok ang tambalang Ken Chan at Sanya Lopez.

Double trending ang first offering ng GMA at Regal na “That Thin Line Between,” at parehas pasok sa Top Trending list ang mga hashtags na #KenSanyaRegalStudioPresents at #GMAREGALStudioPresents sa Twitter!

Lubos namang nagpasalamat sina Ken at Sanya sa lahat ng mga tumutok sa kanilang episode.

Sa susunod na Sabado, September 18, tungkol naman sa sirenang si Raya ang dapat abangan sa weekly anthology starring ang ‘Team Jolly’ na sina Sofia Pablo at Allen Ansay!

Huwag palalampasin ang Regal Studio Presents tuwing Sabado, 8:30 p.m. sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cha-Cha Cañete may awitin tungkol sa namumuong ‘Agwat’ sa isang relasyon

Patricia Tumulak, co-host ni Emil Sumangil sa bagong news magazine show ng GTV!