in

Mga patok na kuwento tampok sa ‘KMJS’ ngayong Linggo

Tuluy-tuloy ang makabuluhang kuwentuhan sa Sunday viewing habit ng Pamilyang Pilipino—ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Sa Lanao del Sur, para mapatunayan ng mga mister dito na loyal at handa silang magsakripisyo para sa kanilang mga misis, sila na ang magiging ‘love-banderos’ sa ilog.

Tara na’t tikman ang kuwento ng tagumpay ng mga negosyong namamayagpag sa gitna ng pandemya dahil sa hinahain nilang bila-bilaong sarap.

At upang may maipampagamot sa kanyang pamangkin na nakatubo na sa ospital, nagdo-drawing at ibinebenta online ni Christian ang kanyang mga obra.

Alamin din kung ano na ang nangyari sa giant robot noon sa Porac, Pampanga. At saan nga ba nagmula ang tawag na ‘tansan’? Linangin ang kaisipan sa mga Pinoy trivia! 

Tutok na sa KMJS ngayong Linggo, 8:25 p.m. sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne, naki-bonding sa fans sa ‘Kapuso Fans Day on TV’

Estudyante at business owner mula sa Manila, tinanghal na Ultimate ‘Bida Star: Boy Next Door’