in ,

Martin Nievera, kinanta ang ‘Stronger Together’ theme song ng ‘G Diaries’ Season 9

Ang nag-iisang Concert King ng Pilipinas na si Martin Nievera ang kumanta ng “Stronger Together,” na theme song ng ika-siyam na season ng “G Diaries” na magsisimula ngayong Linggo (Setyembre 12).

Isang masugid na taga-suporta si Martin ng mga programa ng ABS-CBN Foundation kung kaya madali siyang napapayag na i-record ang awitin sa gitna ng kanyang concert tour sa Los Angeles, USA, upang umabot ito sa Season 9 premiere.

Sa “Stronger Together,” hinihikayat ang bawat Pilipino na magtulungan upang sama-samang makapaghatid ng mabuting pagbabago. Upang magdagdag kulay pa sa kanta at ma-highlight ang tema nito, may rap break din sa “Stronger Together” tampok si Blade Lopez, anak ng “G Diaries” host na si Ernie.

Sa “G Diaries Season 9: Stronger Together,” ipapakita ang higit isang daan na mga organisasyong bumabandera ng iba’t ibang adbokasya—humanitarian action, proteksyon at paglinang ng mga bata at kabataan, edukasyon, kalusugan, sining, kultura at pangkabuhayan.

Sa pakikipagtulungan ng TFC Global, ang ika-siyam na season ay magpapakita rin ng kwento ng mga Pilipinong nasa ibang bayan na nagpapakita ng kabutihan at ang mga kaparehong adbokasya ng “G Diaries.”

Ang “G Diaries” ay ang award-winning na show ng ABS-CBN Foundation, kasama ang partner na Lopez Group Foundation, Inc. (LGFI), at suportado ng First Philippine Holdings Corporation. Sinimulan noong 2016 ni Gina Lopez, ang mga hosts ng “G Diaries” sa kasalukuyan ay ang kapatid ni Gina na si Ernie (simula 2019), at ang kanyang misis na si Michelle Andrea Arville.

Ang “Stronger Together” theme song ay isinulat ni Jenie Chan. May mellow version din sina Ernie at Michelle ng theme song na maririnig sa digital platforms ng “G Diaries.”

Panuorin ang “G Diaries Season 9: Stronger Together” pilot episode sa Linggo (Setyembre 12) 9:10 am sa Kapamilya Channel at 8:30 am sa Kapamilya Online Live. May replays din ito sa iWantTFC, Metro Channel, at ANC.

Para sa karagdagang impormasyon sa ABS-CBN Foundation, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com. Maaari ding makibalita sa Facebook (facebook.com/abscbnfoundationinc) and Twitter (@ABSCBNFI_ph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Great Men Academy,’ ‘Horimiya,’ at ‘Sing Yesterday for Me’ palabas na sa POPTV

‘Marry Me, Marry You,’ Bini-BGYO Docu, at ‘The Gaming House’ mapapanood nang libre sa iWantTFC