Bongga naman ng GMA senior reporter na si Emil Sumangil dahil may bago siyang programa na mapapanood sa GTV very soon.

Halos dalawang dekada na rin sa industriya at beterano na sa field reporting si Emil. Naging anchor din siya dati ng isang afternoon newscast.
“Dapat Alam Mo!” ang title ng kanyang show at base sa teaser, isang news magazine ito so malamang hindi lang balita ang ihahain ni Emil para sa viewers ng GTV.
Ilan lang sa mga parangal na naibigay kay Emil ang “Best Field Reporter” sa 2018 U.P. Gandingan Awards. Kinilala rin siya bilang “Outstanding TV News Reporter” ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) noong 2014.







