Humanda na sa good vibes na hatid nina Boobay at Tekla dahil makakasama nila ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa unang pagkakataon sa ‘The Booby and Tekla Show’ ngayong Linggo, September 12.

Sasalang si Bea sa isang no holds barred interview sa “May Pa-Presscon” kung saan sasagutin niya ang ilan sa pinakamahihirap na katungan mula sa kanyang heartbreak, relationship status, at career plans sa Kapuso Network.
Game rin na ipapamalas ni Bea ang kanyang husay sa pagkanta sa “Birit Showdown” kung saan aawit siya ng sikat na kanta ni Adele.
Abangan lahat ng ito sa The Boobay and Tekla Show, ngayong Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.







