in

Tambalang Julia Baretto at Marco Gumabao, inaabangan sa ‘Di Na Muli

Magbabalik telebisyon na si Julia Barretto at bibida sa pinakabagong serye ng TV5 na ‘Di Na Muli, kung saan makakatambal niya ang malapit na kaibigang si Marco Gumabao.

Hatid ng Cignal at Sari-Sari Channel, kasama ang Viva Entertainment para sa TV5, ang ‘Di Na Muli ay kwento ng pag-ibig na natagpuan at nawala — ang pagpapatuloy sa buhay ng walang pagsisisi. Inilalahad ito sa pananaw ni Yanna, na gagampanan ni Barretto, isang babaeng may taglay na kakayahang makita ang hinaharap.

Dahil sa kanyang kakayahan, mas batid niya kung gaano kabilis lumipas ang oras. Kung kaya mas natutunan niyang pahalagahan ang bawat sandali at mabuhay ng puno ng pagmamahal.

Makakasama ni Julia sa seryeng ito ang dalawa sa pinakaaabangang mga Marco sa showbiz ngayon. Si Marco Gumabao ay gaganap bilang Mico, ang lalaking susubukang baguhin ang pananaw ni Yanna tungkol sa pag-ibig. Ang proyektong ito ang nagsisilbing on-screen debut ng Julia-Marco tandem na nagkaroon ng strong fanbase dahil sa kanilang online vlogging.

Si Marco Gallo naman ay gaganap bilang CJ, matagal nang kaibigan ni Yana, na magtuturo sa kanyang pahalagahan ang oras na kapiling ang mga mahal sa buhay.

Tampok din sa K-inspired romantic drama na ito sina Angelu De Leon at Bobby Andrews, na kilala bilang isa sa mga pinakasikat na tambalan nung 90’s. Kasama rin sa cast ang multi-awarded actor na si Baron Geisler, na gaganap sa isang off-beat role.

Mapapanood ang ‘Di Na Muli tuwing Sabado simula September 18, 8PM sa TV5, Sari Sari sa Cignal TV Ch. 3 at SatLite Ch. 30. Maaari rin itong mapanood Live at On-Demand via Cignal Play app.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bea Alonzo, gustong matikman ang menudo ni Marian Rivera

Vice Ganda, tinawag na bayani ang songbayanan ng stage performers sa ‘Everybody, Sing!’