in

Bea Alonzo, gustong matikman ang menudo ni Marian Rivera

Hindi nagkaila ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa paghanga niya sa Dantes family.

Matatandaang nakatrabaho na noon ni Bea si Dingdong sa isang pelikula at looking forward naman siya ngayon na makasama at makilala pa si Marian ngayong nasa iisa na silang network. At excited din daw siyang matikman ang menudo na specialty ng Kapuso Primetime Queen.

“I’m looking forward na mapaglutuan at matikman ko ang menudo ng lola niya. Sana potluck kasi gusto ko din magluto naman ng kaldereta o iba pang putahe para dalhin sa bahay niya,” nakangiting sambit ni Bea.

Sa nakaraang Pinoy Abroad Fun Connect ng GMA Pinoy TV noong September 1 ay nagpaabot ng special message sina Marian at Dingdong kay Bea. At kahit virtual ay ramdam na ramdam ni Bea ang pagiging welcoming sa kanya ng Kapuso artists kabilang na rin nga ang DongYan.

“I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends,” ani Bea.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Netizens, humanga sa bersyon ni Rico Blanco ng ‘PBB’ theme song na ‘Pinoy Tayo’

Tambalang Julia Baretto at Marco Gumabao, inaabangan sa ‘Di Na Muli