in

Pop-Rock Royalty Yeng Constantino, magbabalik sa ‘ASAP’ stage live

Sama-sama nating salubungin ang Ber months sa “ASAP Natin ‘To” dahil may matitinding pasabog ang mga paborito ninyong Kapamilya idol, tulad ng ASAP comeback ni Yeng Constantino, nagbabagang P-Pop performance, new single launches, at marami pang iba live na live ngayong Linggo (Setyembre 5) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang pagbabalik ng pop-rock royalty na si Yeng Constantino sa ASAP stage sa kanyang pagdiriwang ng ika-15 na anibersaryo sa showbiz. Sasamahan siya ng new breed of ASAP singers na sina Anji Salvacion, Diego Gutierrez, Sam Cruz, at Angela Ken.

May early Christmas treat naman ang buong “ASAP Natin ‘To” family, kabilang sina Donny Pangilinan, Ronnie Alonte, Joao Constancia, at iba pa. Makikisali rin sa live Sunday party ang stars ng “Hoy, Love You!” na sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap.

Samantala, handa naman ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu na magpamangha ng mga manonood sa kanyang “ASAP Transformation” bilang international pop icon na si Gwen Stefani.

Makisayaw rin kasama ang mga paborito ninyong housemate ni Kuya, tulad nina Kim Chiu, Melai Cantiveros, Maris Racal, Loisa Andalio, Robi Domingo, Edward Barber, at Maymay Entrata, plus may special guest performance pa mula kay Rico Blanco para sa pagbubukas ng auditions sa ika-10 season ng “Pinoy Big Brother.” Hindi rin pahuhuli sa trending hatawan si AC Bonifacio kasama ang viral dancers na sina Khimberly del Rosario at Samantha Paat sa “ASAP Discoveries.”

Ibang klaseng kantahan naman ang dala ng mga kinagigiliwang singer sa industriya, tulad ng forever hits tapatan ng bagong kombinasyon ng New-Gen Birit Divas na sina Elha Nympha, Lara Maigue, Sheena Belarmino, at Gigi de Lana; senti collab mula kina Moira dela Torre at The Juans; at ang bagong single launch ni Asia’s Phoenix Morissette.

Magbabaga muli ang ASAP stage sa performance ng P-Pop sensation na BGYO ng kanilang comeback hit na “The Baddest.”

Sigurado namang damang-dama ang inspirasyon at pag-asa sa engrandeng musical act nina Angeline Quinto, Rachel Alejandro, Yeng Constantino, Nyoy Volante, Jason Dy, Jed Madela, Klarisse de Guzman, Janine Berdin, Elha Nympha, Lara Maigue, Sheena Belarmino, Gigi de Lana, Janella Salvador, JM Yosures, Sam Concepcion, vocal trio iDolls, at Erik Santos kasama ang inspirational diva na si Jamie Rivera.

Huwag palampasin ang mga bigating sorpresang ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GMA Now extended ang price discount, may bago pang feature!

‘Limitless, A Musical Trilogy,’ very personal experience for Julie Anne San Jose