in

Kiray Celis at Divine Aucina parehong type si Jose Sarasola?

Parehong mahuhulog sina Kiray Celis at Divine Aucina kay Jose Sarasola sa latest episode ng Tadhana ngayong Sabado (Sept. 4).

Pamilya ng mga kasambahay sina Fiona (Kiray) at Margareth (Divine). Para mas makaipon, isinama ni Margareth ang pinsang si Fiona sa pinagtatrabahuhang mansion na pagmamay-ari ng pamilya Esquivel.

Isang araw, aalis ang mga amo nila para sa isang business trip at bakasyon sa Europe. Dito maiisipan ni Fiona na tuparin panandalian ang pangarap nilang yumaman. Magpapanggap ang mag-pinsan na may-ari ng mansion at habang nag-aastang mga donya, makikilala nila at parehong magugustuhan si Aki (Jose Sarasola).

Sino kaya ang uuwing wagi sa pagitan nina Fiona at Margareth? Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ng magpinsan ang tunay na katauhan ni Aki?

Abangan ang “Maid4U” episode na ito sa Tadhana, hosted by Marian Rivera, ngayong Sabado bago ang Wish Ko Lang! sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza, mabubunyag na ang sikreto?

JC de Vera, nag-propose kay Christian Bables sa ‘MMK’