in

Bianca Umali, may rebelasyon sa ‘The Boobay and Tekla Show’

Masasalang sa hot seat ang Legal Wives star na si Bianca Umali sa fresh episode ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong Linggo, September 5.

Mainit at matitinding katanungan ang ibabato ng hosts na sina Boobay at Tekla kay Bianca sa segment na “May Pa-Presscon.”

Sa unang pagkakataon ay sasagutin ng Kapuso actress ang tanong na kung in love nga ba siya ngayon at kung kumusta na sila ni Voltes V: Legacy star Miguel Tanfelix.

Bukod sa mga bigating rebelasyon, sasabak din si Bianca sa segment na “Ang Arte Mo” kung saan isasadula nila nina Boobay, Tekla, at ng The Mema Squad ang ilang mga eksena mula sa nakalipas na serye ng aktres gaya ng Sahaya at Kambal, Karibal.

Samantala, makikipagtagisan ng galing sa kantahan si Bianca kay Kapuso singer Hannah Precillas sa “Birit Showdown.”

Makakasama rin ng Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, at Kitkat ang comedian na si Brenda Mage sa episode na ito.

‘Wag nang magpahuli sa katatawanan at mga rebelasyon na magaganap ngayong Linggo sa ‘The Boobay and Tekla Show’ pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘KMJS’ may tribute para kay Mahal

Kris Bernal, gaganap bilang teacher na may Tourette Syndrome sa ‘Wish Ko Lang!’