Tuwang-tuwa ang mga manonood sa tarayan at gantihan nina Erich Gonzales, Janice De Belen, Agot Isidro, at Raymond Bagatsing sa “La Vida Lena” kaya dalawang linggo na itong numero unong show sa iWantTFC.
Tamang-tama na magsisimula na rin ang bagong yugto ng “La Vida Lena” at tiyak na kakapitan ng mga manonood ang pang-aakit ni Lena (Erich) kay Adrian (JC De Vera) at ang unti-unti niyang paniningil ng karma sa mga kaaway niya, ang makapangyarihang pamilya Narciso.
Papakawalan na ni Lena ang bagsik ng kanyang galit sa ikalawang season dahil iisa-isahin niyang pababagsakin ang mga galamay ni Lucas (Raymond). Una, aakitin ni Lena si Miguel (Kit Thompson) para masira ang relasyon nito sa asawang si Rachel (Sofia Andres). Wawasakin din ni Lena ang relasyon nina Lucas at Vanessa dahil ipagkakalat niyang hindi si Lucas ang ama ni Adrian, kundi ang matagal na nilang kaibigang si Conrad (Christian Vasquez). Patuloy namang magkukunwari si Lena na dala-dala niya ang anak ni Adrian, kaya patuloy rin niyang mabibilog ang utak nito at mapapasunod sa mga gusto niya.
Pagkatapos namang ilabas ang trailer para sa bagong season, usap-usapan na ng fans ang mga nakaka-excite na twist sa kwento, partikular na ang posibilidad na ama ni Lucas si Lena.
“Much more intense. Daily dose of energy. As always Erich sobrang galing. Thanks ABS at naipalabas ito. Nakakaaliw at mapapaisip ka talaga, kulang na lang kami na mag-director nito ng kaibigan ko kakaisip namin after every episode. I know from the start na anak ni Conrad si Adrian. The way he looks at him. Napaisip na naman ako kung sino ama ni Lena… Maybe si Lucas? Hula mode,” sabi ni Jean Lagores sa YouTube.
“Ito ang teleserye na walang patumpik-tumpik. Walang storyline na pinahaba ng ilang linggo o buwan para lang ma-extend ang serye! Ganda at bilis ng pacing. At exciting ang twist! ‘Yung mom ni Lena nabuntis ni Lucas at si Vanessa at Conrad may ugnayan… Si Adrian pala anak nila na pinaako kay Lucas! Galing!” sabi naman ni Anilie Anastacio.
Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.