in

Glaiza de Castro, gustong maka-trabaho ulit si Marian Rivera!

Hindi napigilan ni Glaiza de Castro ang magkuwento ng malalim na pinagsamahan nila ni Marian Rivera noong batiin niya ito sa “DongYan Funcon” event ng GMA Pinoy TV.

Aniya, mula pa noon ay magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa matapos nilang magkasama sa Amaya, Tweets for my Sweet, at Temptation of Wife.

“Nagsimula ‘yung ‘Bai’ no’ng ginawa namin ‘yung Amaya so ‘Bai’ means sister at ever scene ginawa namin ‘yun, ‘Bai’ na ‘yung naging tawagan namin kasi I consider her as my sister.” share ni Glaiza.

Hindi naman nag-deny ang Kapuso Primetime Queen sa sambit ni Glaiza at malaki raw ang pasasalamat niya na naging magkaibigan sila.

“Siguro isa sa mga naging thankful ako is naging kaibigan ko talaga si Glaiza kasi isa ‘yan sa kahit hindi kami magkita o magtext nang mahabang panahon pero ‘pag nagkita kami n’yan, parang kakakita lang namin,” ani Marian.

At ang wish nilang pareho ay sana magka-trabaho sila ulit.

Marami pang ihinandang surprise ang GMA Pinoy TV para sa Kapuso abroad. At nitong September 1 nga lang ay si Bea Alonzo naman ang nakasama nila sa isang masayang FunCon online.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, dobleng kilig at kulitan ang hatid sa ‘Hoy, Love You Two’ ng iWantTFC

Alice Dixson, natuwa sa mas maagang timeslot ng ‘Legal Wives’