in

Mga bigating collab performance, aarangkada ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Hatid muli ng “ASAP Natin ‘To” sa mga manonood ang mga bonggang fresh all-star performance mula sa mga naglalakihang Kapamilya star, tulad ng bigating collabs mula sa mga kilalang OPM stars, matinding sayawan, at marami pang iba ngayong Linggo (Agosto 29) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Uulan ng bigating collabs, kabilang na ang pure energy performance nina Kyle Echarri, Iñigo Pascual, at Gary Valenciano; senti jamming mula sa The Juans kasama si Asia’s Pop Heartthrob Darren; “Beautiful Days” kantahan nina Kyla at iDolls; at ang soulful duet nina Bamboo at Klarisse de Guzman.

Pakatutukan ang engrandeng movie hits number mula sa inyong ASAP family, kabilang sina Janine Gutierrez, Angeline Quinto, at marami pang iba. Maki-hataw naman kasama ang mga paborito ninyong artista, tulad ng nagbabagang dance number ni Andrea Brillantes, hatawan ng popular Kapamilya loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Aljon Mendoza at Karina Bautista, at Kyle Echarri at Francine Diaz, kasama sina Sheena Belarmino at Enchong Dee sa “Star Magic Presents.”

Tuloy naman ang sayawan mula sa mga maiinit na ASAP dance idol na sina Maris Racal, Vivoree Esclito, Joao Constancia, Jeremy Glinoga, Jin Macapagal, at Jameson Blake.

Maaliw naman sa contemporary hits biritan ng bagong kombinasyon ng New-Gen Birit Divas na sina Elha Nympha, Lara Maigue, Sheena Belarmino, at Gigi de Lana.

May kantahan pa mula sa new breed of ASAP singers na sina Anji Salvacion, KD Estrada, Diego Gutierrez, Sam Cruz, at Angela Ken kasama ang This Band; at ang Olivia Rodrigo at H.E.R. inspired performance nina Kyla, Klarisse de Guzman, Jed Madela, Nyoy Volante, Jason Dy, Bugoy Drilon, CJ Navato, at KZ.

May “ASAP Fresh” performance pa mula kay Asia’s Soul Supreme KZ at proudly Pinoy P-Pop pasabog mula sa BINI.

At damhin naman ang forever hugot feels mula kina Ogie Alcasid, Moira dela Torre, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Asia’s Songbird Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”

Abangan ang mga tatak-ASAP performance na ito sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gigi de Lana magkaka-album at sariling concert, makakasama rin sa 1MX live sa Dubai