in

Top 30 Clashers, ready na sa bakbakan sa ‘The Clash’ Season 4!

Inilabas na ang listahan ng mga masuwerteng tutungtong sa next round ng ika-apat na season ng all-original Filipino singing competition ng GMA Network na The Clash.  

Matapos ang isinagawang auditions nitong mga nakaraang buwan, inanunsiyo na ng The Clash ang aspiring singers mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao na pasok sa Top 30 Clashers.

Excited na ang mga Kapuso na mapanood ang mas pinatindi at pina-level up na bakbakan ng Clashers sa bagong season ng The Clash.

Bukod sa performances ng Clashers, hindi rin dapat palagpasin ng viewers ang mga inihandang twists at surprises ng The Clash na hindi pa nakikita mula sa previous seasons nito.  

Mapapanood pa rin sa The Clash Season 4 ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kasama ang Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Abangan din ang magiging pagkilatis ng The Clash Panel na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Aiai Delas Alas.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Trailer ng ‘Limitless, A Musical Trilogy’ ni Julie Anne San Jose, pinusuan ng netizens

Music video launch ng BGYO na ‘The Baddest,’ trending at pinag-usapan