Balik-telebisyon ang “Makulay ang Buhay” hosted by Camille Prats at mapapanood ito every Saturday at Tuesday sa GMA.
Si ‘Mom C’ Camille, ikinatuwa ang pagpapalabas muli ng nasabing edu-tainment program ng GMA Public Affairs na unang umere last year.
“Shooting ‘Makulay Ang Buhay Season 1’ was really an experience I will never forget as we shot it during a pandemic,” say ni Camille. “[I am] truly grateful to be part of a program that is not only informative but also teaches Filipino children about the benefits of eating healthy.”
Layunin ng programa na bigyang halaga ang wastong pagkain ng mga bata sa pamamagitan ng makukulay na music video at nakakaaliw na kuwento kasama ang mga puppet na sina Benjie at Penpen. Pinapakita rin sa programa kung paano maghanda ng nutri-sarap dishes na swak sa panlasa ng bagets. Talagang nutritious na, delicious pa!
Relate siyempre dito si Camille na hindi lang isang ina kundi talagang malapit sa mga bata. “Children will always have a special place in my heart, being part of a project that teaches our kids to better take care of themselves is really something I am grateful for. Mom C, Benjie, and Penpen are so happy to be back as we read stories, cook our favorite healthy dishes and play virtual games!” dagdag pa niya.
Samahan sina “Mom C” Camille, Benjie, at Penpen sa “Makulay ang Buhay” tuwing Sabado, 9:45 am at tuwing Martes, 8 am sa GMA Network