in

BGYO naglabas ng comeback single na ‘The Baddest’

May bagong awiting kagigiliwan ang mga fans ng fast-rising P-Pop group na BGYO sa paglabas ng kanilang bago at ikalawang single na “The Baddest,” kung saan kanilang ibinahagi ang mga katangian ng kanilang ideal girl sa makabagong panahon – talino, kumpiyansa sa sarili, at personalidad na hindi nakikita sa panlabas na anyo.

Ang musika at lyrics ng awitin ay sinulat ng The Aristocrat at TC Mack kasama ang ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo, Gelo Rivera, at Akira Morishita. Sinundan nito ang debut single nilang “The Light,” na tumabo ng mahigit isang milyong streams sa Spotify.

Namayagpag din muli ang grupo sa international charts dahil number 1 sila sa Pandora Predictions Chart na gumagamit ng data mula sa Next Big Sound Chart. Matatandaan na noong nakaraang Mayo ay nag-debut sila sa nasabing chart at nakapasok sila agad sa top 2 ng Next Big Sound Chart.

Kinikilala sa Next Big Sound’s Pandora Predictions Chart ang artists ayon sa kanilang malaking potensyal na sumikat. Samantala, ang Next Big Sound Chart naman ay naglalayon na ma-predict ang mapapabilang sa Billboard 200 chart sa kauna-unahang beses sa nasabing taon.

Inaabangan din ng BGYO fans ang pagsali ng grupo sa “Happy Hallyu Day” virtual fest kasama ang kanilang sister group na BINI sa darating na Agosto 28 at 29, 7 PM, sa Facebook page ng Philippine Kpop Convention Inc’s (PKCI), kung saan kanilang aawitin ang “The Baddest,” at ilang K-Pop songs, at sasabak sa ilang K-Pop Challenges.

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Coco Martin, tumanaw ng utang na loob sa mga Pilipino, nangako ng mas kaabang-abang na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Vice Ganda, hahamunin ang mga tanod at call center agent ngayong weekend sa ‘Everybody, Sing!’