in

Life story ni Boobsie, tampok sa ‘#MPK’

Sa kabila ng kanyang talento sa pagpapatawa, anu-ano nga kaya ang pinagdaanan ng comedian na si Mary Jane Vallero o mas kilala bilang si Boobsie upang makamit ang kanyang mga pangarap?

Ngayong Sabado, August 21, muling tunghayan ang nakakakilig at nakakatuwang kuwento ni Boobsie sa episode na “Fat and Furious: The Adventures of Boobsie” sa award-winning drama anthology na Magpakailanman.

Dahil likas na may talento sa pagkanta at pagsayaw, sa murang edad ay nakapagtrabaho si Boobsie sa ibang bansa bilang entertainer. Dito niya nakilala si Lito na kanyang naging live-in partner. Makalipas ang halos siyam na taon ay doon na rin nila naisipan magpakasal.

Unti-unting nakilala si Boobsie na nagsimula sa screen name na “Jane B” hanggang sa naging ‘Boobsie Wonderland”.

Ngunit ang mala-fairytale niyang buhay ay ‘di kumpleto kung puro saya lang, sinubukan din ang kanyang katatagan hindi lang bilang komedyante, ngunit bilang isang anak, ina at asawa.

Tampok din sa episode sina Ms. Elizabeth Oropesa, Jay Manalo, Jong Cuenco, Cai Cortez, Tonet Guaio, Kenken Nuyad, Joanna Marie Tan, Prince Clemente at Makee Dulalia.

Muling mapapanood ang kuwento ni Boobsie ngayong Sabado, 7:15PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tambalang Jennylyn Mercado at Xian Lim, kasado na!

Dating BoybandPH member na si Russell Reyes, may solo single na