in

Gerald Anderson, kinutuban na si JM de Guzman ang nagtangka sa kanyang buhay sa ‘Init Sa Magdamag’

Malakas na ang kutob ni Tupe (Gerald Anderson) na si Peterson (JM de Guzman) ang bumaril sa kanya matapos magkasagutan sa binyag ng anak sa nalalapit na pagtatapos ng “Init sa Magdamag,” na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Tansta niya na nakuha ni Peterson ito matapos tumakas noong gabing siya’y binaril. Nagkasagutan ang dalawa nang paalalahanan ni Peterson si Tupe na siya pa rin ang asawa ni Rita at dapat nitong lumugar. Binangga niya ito at napatid naman siya sa silya kaya nakita ni Tupe at Rita ang kanyang sugat.

Bago pa man nangyari ang sagutan, agaw-eksena na si Peterson sa binyagan. Nang tanungin kasi ng pari kung sino ang tatay ni Andrew ay agad niyang sinagot na siya iyon. Hindi pa nakuntento dito si Peterson—pinahiya rin niya si Tupe sa handaan na ikinagulat ng lahat ng bisita.

Dahil napansing pinag-aagawan ng dalawa ang kaibigan, inusisa ni Raymund (Albie Casino) si Riță kung ano na ba ang totoo nitong nararamdaman para kay Tupe. Sinabi naman ni Rita na wala na raw talagang namamagitan sa kanila ni Peterson at malapit na ma-grant ang kanilang annulment, habang itinaggi nito na nanliligaw pa si Tupe sa kanya.

Makahanap kaya ng ebidensya si Tupe laban kay Peterson? Ano pa kaya ang gagawin ni Peterson para bawiin ang pamilya?

Panoorin ang huling buga ng “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel habang ang advance episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Options’ album ni Inigo Pascual, may deluxe version na

ABS-CBN Foundation, inaalala ang buhay ni Gina Lopez sa kanyang ikalawang Death Anniversary