in

Ashley Ortega, biktima ng sariling ama sa ‘#MPK’

Muling magpapamalas ng kanyang husay sa pag-arte ang Legal Wives star na si Ashley Ortega sa all-new episode ng award-winning drama anthology na ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado, August 14, sa bago nitong timeslot at 7:15 PM

.Bibigyang-buhay ni Ashley ang karakter ni Jessa, isang dalagang gagahasain ng kanyang sariling ama. Makakasama ni Ashley sa episode sina Therese Malvar, Althea Ablan, Nina Ricci Alagao, at Michael Flores.

Magbabago ang tingin ni Jessa sa akala niya ay tila perpekto nilang pamilya nang malamang may ibang babae ang kanilang ama at nang paulit-ulit siyang gahasain nito.

Nang magsumbong siya sa kanyang ina ay hindi siya pinakinggan nito at natakot din siyang magsumbong sa mga awtoridad nang pagbantaan ng kanyang ama na papatayin silang mag-iina.

Naisipan ni Jessa na lumayas na lang ngunit hindi niya naisip na pagdadaanan din ng dalawang kapatid na babae ang sinapit niya sa kanilang ama.

Maliligtas pa ba niya ang dalawa niyang kapatid? Hanggang kailan magbubulag-bulagan ang kanilang ina? Paano na nga ba matutuldukan ang kasamaan ng kanilang ama?

Tunghayan ang all-new episode ng Magpakailanman na pinamagatang “Our Abusive Father” – sa direksyon ni Jorron Lee Monroy – ngayong Sabado, 7:15pm sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

GabLil, may bagong handog sa fans

Restored Box Office Hit na ‘A Love Story,’ tampok sa Sagip Pelikula Festival