in

Julie Anne San Jose, ‘Asia’s Limitless Star’ na!

Opisyal nang ipinakilala ng GMA si Julie Anne San Jose bilang “Asia’s Limitless Star” kasabay ng media conference ngayong Huwebes para sa kanyang “LIMITLESS, A Musical Trilogy.”

Sakto raw ito sa new project ni kung saan ipapamalas niya ang husay sa pagiging singer, songwriter, dancer, actress, host, at multi-instrumentalist sa iba’t ibang unexpected locations sa Mindanao, Visayas, and Luzon.

Talaga namang swak na swak para kay Julie ang titulo na ito at well-deserved din sa dami nang napatunayan na niya sa kaniyang showbiz career. Siguradong ipagmamalaki na naman ito ng mga proud and loyal fans niya!

Kasalukuyang napapanood si Julie sa All-Out Sundays at naghahanda na para sa pagbibidahan niyang musical series na ‘Still’ kasama ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Samantala, available na ang  tickets para sa “Limitless, A Musical Trilogy” sa gmanetwork.com/synergy

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Iza Calzado, lilipad din bilang ‘Darna’

Bugoy Drilon, Geneva Cruz, Kakai Bautista atbp. magbabalik tanaw sa OPM sa 8-oras na YouTube Extravaganza