Opisyal nang ipinakilala ng GMA si Julie Anne San Jose bilang “Asia’s Limitless Star” kasabay ng media conference ngayong Huwebes para sa kanyang “LIMITLESS, A Musical Trilogy.”

Sakto raw ito sa new project ni kung saan ipapamalas niya ang husay sa pagiging singer, songwriter, dancer, actress, host, at multi-instrumentalist sa iba’t ibang unexpected locations sa Mindanao, Visayas, and Luzon.
Talaga namang swak na swak para kay Julie ang titulo na ito at well-deserved din sa dami nang napatunayan na niya sa kaniyang showbiz career. Siguradong ipagmamalaki na naman ito ng mga proud and loyal fans niya!
Kasalukuyang napapanood si Julie sa All-Out Sundays at naghahanda na para sa pagbibidahan niyang musical series na ‘Still’ kasama ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.
Samantala, available na ang tickets para sa “Limitless, A Musical Trilogy” sa gmanetwork.com/synergy