in

Ed Sheeran, mapapanood sa ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo!

World-class performances ang hatid ng paboritong weekend musical comedy variety show na ‘All-Out Sundays’ dahil may inihandang sorpresa ang sikat na international singer-songwriter na si Ed Sheeran ngayong Linggo, August 15.

Naunang naglabas ng teaser photo last Tuesday ang All-Out Sundays ng kanilang special guest ngayong Linggo na isa raw sa most in-demand pop star on the planet and one of the world’s best-selling music artists.
 
At nitong Miyerkules ay ipinakilala na si Ed na nakatakdang mag-perform ng kanyang latest single na ‘Bad Habits’ sa All-Out Sundays.
 
Bumuhos naman ang excitement mula sa netizens at fans ng international singer, “Last week, performance ng One Direction hits. Ngayon naman Ed Sheeran mismo. Two of my favorite music acts. Wow, Thank you, GMA!”
 
“Ano ba ‘yan GMA masyado n’yo naman binonggahan ang guest nyo!” ani pa ng isang netizen.
 
‘Wag palagpasin ang All-Out Sundays ngayong Linggo, 12NN, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bugoy Drilon, Geneva Cruz, Kakai Bautista atbp. magbabalik tanaw sa OPM sa 8-oras na YouTube Extravaganza

Record-breaking na MYX Awards 2021, ipapalabas sa MYX Channel ngayong Sabado