in

Kira Balinger, Yves Flores, at Alexa Ilacad bibida sa ‘MMK’ sa Sabado

Tatlo sa mga hinahangaang aktor ng bagong henerasyon, sina Kira Balinger, Yves Flores, at Alexa Ilacad, ang pupukaw sa mga manonood sa kanilang pagganap bilang magkakapatid na hinarap ang sakit ng pagkakalugmok ng pamilya sa krimen sa isa na namang nakakaantig na episode ng “MMK” sa darating na Sabado (Agusto 14).

Wala pa sa hustong gulang sina Valerie (Alexa), Ali (Yves), at Cha (Kira), humarap na sila ng katakot-takot na pagsubok na dala ng pagkakakulong ng mga magulang at mga kapatid. Ginawa ng tatlo ang lahat para umiwas na masangkot sa paggamit at benta ng ilegal na droga sa kagustuhan na rin ng kanilang ina.

Pinagpasapasahan ang magkakapatid pero matibay silang kumpait sa isa’t isa. Ngunit nasira ang kanilang planong mamuhay nang normal nang mawalay si Ali at maging kriminal. Nadagdagan pa ang kanilang problema nang mamatay ang ama at mabuntis si Valerie sa edad na 17.

Maituwid kaya ng tatlo ang kanilang nasirang landas? Makapagtapos pa kaya sila ng pag-aaral at hindi matulad sa mga magulang at mga nakakatandang kapatid?

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Erich Gonzales, panay ang pang-aakit kay JC de Vera sa ‘La Vida Lena’

Vice Ganda, nagbigay pugay sa seafarers at labandera sa ‘Everybody, Sing!’