in

Pagmamahalan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson, manganganib sa ‘Love Beneath the Stars’

Pagkatapos mabuo ang pagmamahalan nila sa pelikulang “The Boy Foretold by the Stars,” matitinding hamon naman ang haharapin ng relasyon nina Adrian Lindayag at Keann Johnson sa original digital series na “Love Beneath the Stars.” Mapapanood na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC simula Agosto 16.

Magiging official na ang status nina Dominic (Adrian) at Luke (Keann) bilang magnobyo, pero sunod-sunod na problema ang kailangan nilang suungin – ang pagtutol at panghuhusga sa kanilang relasyon, ang pagkakadawit nila sa isang iskandalo, at ang isyu ng third party.

Ibinahagi nina Adrian at Keann ang mga mahahalagang aral na makukuha ng viewers sa serye tungkol sa pag-ibig.

“Kapag pinili mo, dapat panindigan mo. Dapat kapag pinanindigan mo, dapat alam mo na tanggap mo rin ang challenges na kasama doon. Kasi marami silang challenges na hinarap noong pinili nila ‘yung isa’t isa,” saad ni Adrian sa isang interview.

Kwento naman ni Keann, “Love knows no gender. No one can tell you who you should or should not love. Even if fate decides na you’re not supposed to be with this person, if you genuinely love this person and you want this person to be part of your life and you know he’s going to be good for you, then by all means you should fight for it.”

Magsisimula ang tensyon sa pagitan ng dalawa dahil pagseselosan ni Luke ang lumalalim na samahan ni Dominic sa schoolmate nilang si Gio (Vaughn Piczon).

Lalo pang masusubok ang pag-iibigan nina Dominic at Luke dahil magiging malaking iskandalo ang pagiging magka-date nila sa graduation ball. Ituturing kasing kahihiyan ang relasyon nila sa all-boys Catholic school nila, lalo na’t naghalikan sila sa grad ball. Pati ang mga magulang ni Dominic (Agot Isidro at Romnick Sarmenta) ay ikakagalit ang pagkakasangkot nito sa iskandalo at kokontrahin pa ang pakikipagrelasyon ng kanilang anak.

Dahil sa patong-patong na gulo, pagdududahan nina Dominic at Luke ang kanilang pag-ibig. Ano ang susundin nila – ang mga biturin o ang sinisigaw ng kanilang mga puso?

Ang “Love Beneath the Stars” ay isinulat at idinerek ni Dolly Dulu at pinagbibidahan din ito nina Nikki Valdez, Agot Isidro, Romnick Sarmenta, Victor Silayan, at Iyah Mina. Mayroon itong anim na episodes at isa ang ilalabas kada Lunes simula Agosto 16.

Napapanood na rin nang libre sa iWantTFC sa Pilipinas ang “The Boy Foretold by the Stars,” na nagwagi ng 2nd Best Picture sa 2020 Metro Manila Film Festival. Available din ang parehong movie at series sa premium iWantTFC subscribers sa labas ng Pilipinas.

Mag-download na ng iWantTFC app (iOs at Android) o bisitahin ang iwanttfc.com. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyle Velino malaki ang pasasalamat sa ‘Gameboys’

ABS-CBN, binuksan ang ‘Kapamilya Youniverse’ sa YouTube