in

Ashley Ortega, manggugulo sa relasyon nina Edgar Allan Guzman at Kaloy Tingcungco?

Marami ang humahanga at naiinis kay Ashley Ortega sa kanyang pagganap as Marriam sa Legal Wives. Pero ano itong nabalitaan namin na sina Edgar Allan Guzman at Kaloy Tingcungco naman daw ang kanyang guguluhin?

No need to fret dahil para lang ito sa upcoming episode ng Wish Ko Lang entitled “Three Nanays and a Baby” na mapapanood ngayong Sabado.

Isang gabi, iniwan ni Elison (Edgar Allan) ang partner niyang si Andre (Kaloy) sa BFF nitong si Aika (Ashley) para mag-usap. Kaso ang usapan, nauwi sa inuman! Balak na kasi nilang maghiwalay dahil hindi pa rin maamin ni Andre ang relasyon nila sa Nanay nitong si Julie (Maricar De Mesa). Nagkaayos din naman sina Elison at Andre pero nagulantang ang lahat nang biglang sumugod ang Nanay ni Aika na si Nora (Mel Kimura). Si Aika kasi, nagdadalang tao at si Andre ang ama! Magkakaayos-ayos pa nga ba ang lahat? Huwag palalampasin ang ‘Three Nanays and a Baby” sa Wish Ko Lang, ngayong Sabado pagkatapos ng Tadhana sa GMA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

‘Madlang Pi-Poll,’ araw-araw nang mapapanood sa ‘It’s Showtime’

SB19 wagi sa MYX Awards 2021; Asin kinilalang MYX Magna Awardee