in ,

Matt Lozano at Radson Flores, sumabak na sa training para sa ‘Voltes V: Legacy’

Puspusan na ang paghahanda nina Matt Lozano at Radson Flores para sa nalalapit na lock-in taping ng much-awaited GMA series na ‘Voltes V: Legacy.’

Nagte-training na si Matt sa paggamit ng bo staff, ang sandata ng kanyang karakter na si Big Bert. Kumuha naman ng extra lesson si Radson sa horseback riding para sa kanyang role na si Mark Gordon.

Ayon kay Matt, “Gusto ko pagdating sa set, handa ako. Nagte-training ako ngayon ng mga stunts ng bo staff, para pagdating sa set, handang-handa ako hindi lang sa pag-arte.”

Pagkukuwento naman ni Radson, “Kailangan, kumbaga parang sumasayaw kayo nung kabayo, parang kailangan hindi kayo magkakatapakan ng paa, same kayo ng rhythm, momentum, at ‘yung balance.”

Makakasama rin nila sa inaabangang ‘Voltes V: Legacy’ sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, at Raphael Landicho bilang John “Little Jon” Armstrong.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Musikero mula Cebu, handog ang soft rock version ng ‘Ulahi Na Ang Pagbasol Ko’

Hit serye nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Maricel Soriano, mapapanood na sa Netflix