in

Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, magpapaiyak sa pagbibidahang #MPK episode

Maaantig ang puso ng mga manonood sa nakaka-inspire na kuwento ng isang babaeng tinamaan ng cancer at ang kanyang misyon na maging biyaya sa ibang tao sa all-new episode ng award-winning drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, August 7.

Bida sa episode na pinamagatang ‘I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story’ ang real-life couple na sina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez. Makakasama rin nila sina Kiel Rodriguez, Jeniffer Maravilla, at Jeremy Sabido.

Isang mapagmahal na asawa si Lynlin (Glydel) kay Waldo (Kiel). Labis niyang hinahangaan ang asawa sa kasipagan at kabutihan nito lalo na sa kapatid na si Eddie (Tonton) na nalulong sa bisyo matapos iwan ng asawa.

Nais ni Waldo na ayusin ang buhay ni Eddie subalit mamamatay siya at guguho ang mundo ni Lynlin. Maiiwan siya na mag-isang magtataguyod sa kanilang dalawang anak at negosyo.

Matapos ang pagpanaw ni Waldo ay mahuhulog ang loob sa isa’t isa nina Lynlin at Eddie at unti-unti na ring bumuti ang ugali ni Eddie. Kahit na marami ang tutol sa kanilang relasyon, alam ni Lynlin na wala silang ginagawang mali.

Subalit masusubok ang kanilang pananampalataya nang tamaan ng Stage 3 Breast Cancer si Lynlin. Paano nga ba nila malalagpasan ang pagsubok na ito?

Tunghayan ang natatanging pagganap nina Glydel at Tonton sa fresh episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, 8PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘On the Wings of Love’ ng JaDine, naka-English dubbing na sa YouTube

Erich Gonzales, nagparetoke, reresbak na sa mga kalaban sa ‘La Vida Lena’