in

Erich Gonzales, nagparetoke, reresbak na sa mga kalaban sa ‘La Vida Lena’

Nandito na ang bagong Magda (Erich Gonzales) na magpapaluhod sa mga nang-api sa kanya.

Nagparetoke na ng mukha si Magda para simulan ang paghihiganti niya laban sa makapangyarihang pamilya Narciso sa teleseryeng “La Vida Lena” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Hindi lang ganda ang inihahanda ni Magda dahil habang nagpapagaling siya mula sa kanyang plastic surgery, kumuha rin siya ng kurso sa management at nag-aral para gumaling sa pagnenegosyo.

Kasabay naman ng pagbabagong-anyo niya ay ang pagbabalik niya sa bayan ng Salvacion, kung saan magtatayo siya ng bagong korporasyon at maglalabas ng mga sabong kakalaban sa mga produkto ng Royal Wellness, ang kumpanya ng mga Narciso

“Walang paghahanda ang makakaligtas sa inyo sa akin,” sambit ni Magda habang ipinapangako sa sarili na hindi lang niya tatapatan kundi pabagsakin din ang mga kalaban niya.

Mangyayari na kaya ang pinakahihintay na paghaharap ng bagong Magda at nina Vanessa (Agot Isidro) at Lucas Narciso (Raymond Bagatsing)?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang abscbnpr.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, magpapaiyak sa pagbibidahang #MPK episode

Ashley Ortega, kinaiinisan ng viewers; Death scene ni Alfred Vargas, iniyakan!