in

Pokwang, may special delivery sa ‘Dear Uge’

May dalang good vibes ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa fresh episode ng well-loved comedy anthology na ‘Dear Uge’ ngayong Linggo, August 1.

Isang single mom si Chit (Pokwang) na may maliit na courier business, ang Cheetah Padala. Sa kabila ng kanyang mga sakripisyo para palakihin nang mag-isa ang kanyang anak na si Baby (Elle Villanueva), mas nais nitong manirahan sa puder ng kanyang ama.

Isang araw ay may delivery si Chit na naglalaman pala ng tao – si Dyosa (Mahal). Pina-deliver si Dyosa ng kanyang pamilya dahil pabigat daw ito at walang trabaho. Dahil ayaw magpa-deliver ni Dyosa, napilitan si Chit na iuwi pansamantala si Dyosa na agad naman hindi nagustuhan ni Baby.

Habang nakatago sa kanyang box, nahuli ni Dyosa si Baby na dinudukutan ng pera si Chit. Nang mapansin ni Chit na wala na ang kanyang pera, nagsinungaling si Baby at sinisi si Dyosa.

Sino nga ba sa kanilang dalawa ang paniniwalaan ni Chit?

Makisaya na sa all-new episode ng Dear Uge na pinamagatang ‘My Special Delivery’ ngayong Linggo, 3:35PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Restored version ng ‘Kung Mawawala Ka Pa’ nina Christopher de Leon, Dawn Zulueta, at Amy Austria palabas sa Sagip Pelikula Festival

Daniel Padilla, Kim Chiu, Nadine Lustre, at iba pa, tampok sa Best-of-the-Best Party ng ‘ASAP Natin ‘To’