in

Kara David, guest ni Howie Severino sa kanyang podcast!

Ang award-winning broadcast journalist na si Kara David ang guest ni Howie Severino ngayong Huwebes (July 29) sa The Howie Severino Podcast. Kapwa host ng long-running GMA Public Affairs program na I-Witness sina Kara at Howie at naging co-anchor noon sa newscast na News to Go.

Bukod sa pagbabalita at paggawa ng dokyu, pareho ring hilig nina Howie at Kara ang pagbibisekleta. Sa dami ng kanilang mga common interest at dahil na rin sa kanilang experience sa news at documentaries, tiyak na marami na naman tayong insights na makukuha sa new episode na ito ng The Howie Severino Podcast.

Katulad ni Howie, nasa online platform na rin si Kara. Patuloy na lumalaki ang subscribers sa kanyang YouTube Channel kung saan nagtuturo siya ng wikang Filipino at Journalism. Mapapanood din si Kara sa Pinas Sarap tuwing Sabado ng tanghali, 12:30 p.m., sa GTV. Tuwing Sabado rin mapapanood ang I-Witness, pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA.

Makinig at i-follow na ang “The Howie Severino Podcast” sa Spotify at Apple podcast.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ian Veneracion pasok na sa ‘Huwag Kang Mangamba,’ nananatiling Kapamilya

Roxanne Guinoo at Joross Gamboa, magpapakilig sa ‘Hoy, Love You’ sa Kapamilya Channel at A2Z