in

‘Sa Tuwing Umuulan’ ni Jeremiah Tiangco, patok agad sa listeners

Wala pang isang linggo matapos i-release ng Kapuso performer na si Jeremiah Tiangco ang kaniyang latest single under GMA Music na ‘Sa Tuwing Umuulan,’ agad na itong pinusuan ng mga fans at listeners.

Pang-13 ito sa listahan ng mga pinapakinggan sa streaming platform na iTunes Philippines at umani na agad ng positive comments. Swak na swak kasi sa panahon ang panibagong kanta ni Jeremiah at perfect ito sa mga may hugot!

Pagbabahagi ni Jeremiah, “It’s all about the memories shared by lovers, parang ‘yung rain ang nag-represent sa memories nila together.”

Mapapakinggan ang ‘Sa Tuwing Umuulan’ sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Belle Mariano, pag-aagawan nina Donny Pangilinan at Jeremiah Lisbo

Local at Global Artists bibida sa MYX Awards 2021