in

Pilot episode ng ‘Legal Wives,’ mainit na tinanggap ng viewers!

Pinusuan at umani ng papuri mula sa viewers at netizens ang unang episode ng Kapuso family drama series na ‘Legal Wives’ na napanood nitong Lunes, July 26.

Sa pilot episode ay nasaksihan ang unang pagkikita nina Ismael (Dennis Trillo) at Diane (Andrea Torres) pati na rin ang kabataan ni Ismael na balot ng tradisyon at pananampalataya.

Maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa naiibang kuwento ng serye na nagpapakita ng mayamang kultura ng mga Mranaw, “Kudos GMA sa isang dekalidad na istorya na magmumulat sa bawat isa tungkol sa ating mga kapatid na Muslim.”

Ani pa ng isang netizen, “A new gem in primetime television. Another not-to-missed Teleserye experience from GMA. Kudos to the whole team. #LegalWivesWorldPremiere.”

Patuloy na tunghayan ang Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Local at Global Artists bibida sa MYX Awards 2021

‘Madlang Pi-Poll’ ng ‘It’s Showtime,’ Humatak Agad Ng 45,000 Viewers