Makulay ang mga kwentong hatid ng indie pop singer-songwriter na si SAB sa kanyang debut extended play (EP) record na “Sunsets and Heaven,” na ini-release ng Star Music.
Si SAB mismo ang nagsulat ng lahat ng anim na kanta sa mini-album na ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo. Umiikot ang tema nito sa tunay na buhay at kwentong growing up na kumuha ng inspirasyon sa kanyang sarili at mga nasa paligid niya.
Ang key track na “Sunsets and Heaven” ay tungkol sa pakiramdaman ng pagkakagusto sa isang tao. Tungkol naman ang isa pang single dito na “2AM” sa mga mahahalang aral sa buhay at pagkakaroon ng lakas ng loob pagsapit ng madaling araw. Kasama rin sa album ang iba pa niyang kanta na “She,” “Dancing in the Dark,” “Always Stay the Same,” at “Cancelledt.”
Nito lang Biyernes (July 23), ipinagdiwang ni SAB kanyang first music anniversary at mini album launch na napanood sa kanyang kumu at Facebook pages. Ilan sa mga guest niya ay si Vivoree, kapwa Star Music artists na sina Angela Ken at Lian Kyla, at sina Anthony Jennings at Daniella Stranner, na bida rin sa music video ng “2AM” na napapanood na sa Apple Music.
Gamit ang musika para ipahayag ang kanyang sarili at mag-reach out sa mga nakaka-relate sa kanya, inilabas ni SAB ang debut single niyang “She” noong July 2020, na na-feature sa K-Drama na “Flower of Evil” at “Hello Stranger” series at movie ng Black Sheep. Kamakailan lang, pumirma na rin siya ng kontrata sa Star Magic. Siya rin ang nag-adapt ng hit single ni Angela na “Ako Naman Muna” sa English para mas maabot ang maraming global listeners.
Pakinggan ang “Sunsets and Heaven” EP ni SAB sa iba’t ibang digital music streaming services, at sundan siya sa Facebook, Twitter, Instagram, kumu, TikTok, at YouTube. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).